Habambuhay
Sunday, October 5, 2008, 4:46 AM
mahal gud talaga kita.



mahal gud talaga kita, sobra-sobra. sa puntong nakakasakit na.




pero. hindi ako nagsisisi. kasi pinili kitang mahalin, at paninindigan ko ang desisyon ko. paninindigan ko ang daang pinili ko. maghihintay ako. sasamahan kita. sabay tayong lulunsad upang hanapin ang ating mga sariling daan. at kung magkikita pa tayo, isang araw, sa gitna ng daan, 'yon na 'yon. alam na natin kung anong dapat nating gawin.




pero kahit na hindi. alam pa rin natin kung anong dapat nating gawin.




nangako kang hindi ka bibitiw, kahit anumang mangyari.




nangangako akong susubok na hindi bumitiw.




mahal kita. mahal pa rin kita. at mamahalin kita habambuhay.