I've Learned
Thursday, August 21, 2008, 7:55 AM
"and the award for the best liar goes to you."



and i'm not even going to expand on that. kilala mo na kung sino ka, tao. alam mo. ang tagal ko nang sinubukang intindihin ka. lahaaaat na lang ng angulo tiningnan ko na, para lang talaga makitaan ko ng kabutihan ang lahat ng ginagawa mo. pero ewan ko ba. nauubusan na ako ng tamang dahilan para sa lahat ng mga kasinungalingan mo. nauubusan na rin ako ng pasensyang maghanap ng tamang dahilan. ng makatarungan na dahilan.




magtapat ka na kasi. MAGPAKATOTOO KA NA. may utak ka; may puso ka; may konsensya ka. maawa ka sa mga taong napapabilog mo. maawa ka sa mga puso nila. kung hindi mo rin silang kayang panagutan, huwag ka nang pumasok pa sa gulo. tapusin mo na bago pa man makaumpisa. at kung nakapasok ka na sa gulo, lumabas ka na kaagad. huwag kang tumagal pa para maglaro--tapusin mo na, at sagutin mo na lahat ng mga katanungang kailangang masagot, para masara na ang issue. kung hindi mo yan kayang gawin, isa lang ang tawag sayo: DUWAG.




at ayaw ko sa duwag. kaya pasensiyahan na lang. wala ka nang maaasahan pang kabaitan galing sa'kin. pagod na ako. sinaktan mo na ako. pinaasa mo na ako.




AT NATUTO NA AKO.